PANGKAT 2
Ferry Jane D. Cabanatan
Rio Rose Pamela H. Nival
Ralph Miguel A. Manlapig
John Rey A. Ramirez
Kae Charmaine B. San Juan
Kirk Patrick A. Bamba
VII - Nickel
Lunes, Enero 28, 2013
Sabado, Enero 26, 2013
TARA na laro na sa CAVITE
MGA KAWET SA CAVITE ....
TURUMPO
Ang Turumpo o Trumpo ay isa sa mga tanyag na laruan sa Pilipinas. Yari ito sa kahoy na hinulmang pabilog at ang isang bahagi ay bahagyang kinortehan ng patulis na nagbibigay dito ng anyong tila itlog. Mula sa patusok na bahagi ay may pako na nakabaon at isang pulgada dito ay nakalabas. Ang dulo ng pako ay hinahasa at pinapatulis. Gamit ang isang metrong tali ay napapaikot ng isang manlalaro ang laruang ito.
TIRADOR
Ang saltik o tirador ay isang laruan o sandata na karaniwang kahugis ng titik "Y". Mayroon din dalawang piraso ng mahabang goma na nakakabit sa dalawang sungay nito, na humahantong sa isang lalagyan ng bala. Hinihila ng isang kamay ang mga goma habang nakawak sa sisidlan-ng-balang may bala kapag ginagamit itong pampuntirya. Sa Batangas, Pilipinas, kilala rin ito sa tawag na paltik o pamaltik.

HANEP ang BUHAY sa CAVITE
MGA HANAPBUHAY SA CAVITE :))
PANGINGISDA
PANGINGISDA
Ang pangingisda ay ang paghuhuli ng isda sa pamamagitan ng pamimingwit at pagbibitag. Maliban sa mga isda, maaari rin itong matukoy ang paghuli sa iba’t-ibang uri ng yamang-dagat tulad ng mga molusko, tahong, sugpo, pugita at palaka. Ang pangingisda ay isang gawain mula pa noong sinaunang panahon
Ang BUY AND SELL ay ang pabili at pagbenta ng kung ano anong bagay tulad ng bahay , kotse at marami pang iba .
LUNGSOD ng CAVITE
![]() |
| Ang LUNGSOD ng CAVITE at ang mga lugar na pumapalibot rito |
Ang Lungsod ng Cavite ay isa sa tatlong lungsod sa lalawigan ng Cavite. Ang Lungsod Cavite ay ang kabisera ng Lalawigan ng Cavite bago ito ilipat sa Lungsod ng Trece Martires noong 1954. Ang makasaysayang isla ng Corregidor at ang ibang batuhan at pulo sa bunganga ng Look Maynila ay napasasailalim sa pamumunong lokal ng Lungsod.
Matatagpuan ang lungsod 35 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Maynila. Ang bayan ng Noveleta ay nasa timog ng lungsod. Nasa isang hugis-kawit na tangway sa bandang hilaga ng lalawigan, pinaliligiran ang lungsod ng tatlong look, ang Look Maynila sa kanluran, ang Look ng Bacoor sa timog-silangan at ang Look Cañacao sa hilagang-silangan. Ang lungsod ay nahahati sa limang distrito: Dalahican, Santa Cruz, Caridad, San Antonio, and San Roque. Ang mga distritong ito ay nahahati pa sa walong (8) sona na may kabuuang walumpu't apat (84) na barangay. Ang Base Militar ng Sangley Point ay nasa lungsod at makikita sa pinakahilagang bahagi ng tangway. Nagsilbi itong base militar ng Hukbong Dagat ng Estados Unidos, at ngayon ito ay ginagamit ng Hukbong Dagat ng Pilipinas at ng Hukbong Himpapawid ng Pilipinas. Ayon sa talaang bayan noong taong 2010, ang Lungsod ng Cavite ay may bilang ng 101,120.
Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)