Sabado, Enero 26, 2013

TARA na laro na sa CAVITE

MGA KAWET SA CAVITE ....

TURUMPO

Ang Turumpo o Trumpo ay isa sa mga tanyag na laruan sa Pilipinas. Yari ito sa kahoy na hinulmang pabilog at ang isang bahagi ay bahagyang kinortehan ng patulis na nagbibigay dito ng anyong tila itlog. Mula sa patusok na bahagi ay may pako na nakabaon at isang pulgada dito ay nakalabas. Ang dulo ng pako ay hinahasa at pinapatulis. Gamit ang isang metrong tali ay napapaikot ng isang manlalaro ang laruang ito.  
 TIRADOR

Ang saltik o tirador ay isang laruan o sandata na karaniwang kahugis ng titik "Y". Mayroon din dalawang piraso ng mahabang goma na nakakabit sa dalawang sungay nito, na humahantong sa isang lalagyan ng bala. Hinihila ng isang kamay ang mga goma habang nakawak sa sisidlan-ng-balang may bala kapag ginagamit itong pampuntirya. Sa Batangas, Pilipinas, kilala rin ito sa tawag na paltik o pamaltik.


 
 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento